Sun, 28 Feb 2021

Tagalog News: Mga bagong PUVs, aprubado ng LTFRB

Philippine Information Agency
20 Jan 2021, 18:38 GMT+10

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, January 20 (PIA) - Inilunsad kamakailan ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) at mga transport cooperative sa lalawigan ang public utility vehicle modernization program sa bayan ng Solano.

Ayon kay LTFRB Regional Director Edward Cabase, limang units na E-jeep na bibiyahe sa mga bayan ng Solano at Bayombong at tatlong modernized public utility jeepneys na bibiyahe sa bayan ng Solano at Kasibu ang nabigyan ng bagong prankisa upang pagsilbihan ang mga pasahero sa Nueva Vizcaya.

Ayon kay Cabase, bahagi ito ng PUV modernization na isinusulong ng pamahalaan upang magbigay ng ligtas at komportableng pampublikong sasakyan sa mga mamamayan.

Ang mga modernized PUVs ay pamamahalaan ng First NOVO Vizcayanos Travelers Transport Coop Cooperative at Kasibu Transport Cooperative.

Dagdag nito na limang modernized PUVs pa ang inaasahang maidadagdag sa lalawigan sa susunod na linggo dahil sa malakas na suporta ng mga transport cooperatives sa mga bayan ng Nueva Vizcaya.

Pinuri din ni Cabase ang malakas na suporta ng mga LGU dahil sa paglalaan nila ng mga PUV terminal sa kanilang mga bayan.

Ayon kay Cabase, ito ang nagpapakita na ang PUV modernization program ay umuusad na sa Rehiyon Dos partikular sa Nueva Vizcaya na puwedeng tularan ng ibang LGUs sa Cagayan Valley. (ALM/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)

Sign up for Denmark News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!