Sun, 28 Feb 2021

Tagalog News: NV PLGU, LBP, lumagda sa P1B loan agreement

Philippine Information Agency
20 Jan 2021, 19:38 GMT+10

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, January 20 (PIA) - Nilagdaan kahapon ni Governor Carlos Padilla at mga opisyal ng Land Bank of the Philippines ang P1 billion loan agreement ng lalawigan para sa implementasyon ng iba't ibang proyektong imprastraktura.

Ayon kay Governor Padilla, layunin ng P1B loan agreement ng lalawigan na maipagawa ang mga sumusunod: Bagabag District Hospital Dietary, laundry at ward building na nagkakahalagang P57 million at access road nito na P4.8 million, pagpapatayo ng provincial hospital main building phase III na may pondong P140 million at upgrading ng farm-to-market roads na nangangailangan ng mahigit P800 million.

Ang mga ipapatupad na FMRs ay ang Upgrading ng CVR Kinacao-Kurasay-Kinalabasa Road, CVR Nagsabaran-Decabacan-Ampakleng Road, Bonifacio-Dagupan-Palayan Road, Difuday-Bonifacio Road, Dupax del Sur-liyo-Carolotan Road, Palaabotan-Caino-Anayo-Canarem Road at ang Jct. Nat'l Bua-Bulala-Muta-Macabenga Road.

Ayon pa sa Gubernador, ang pagpapagawa sa mga nasabing proyekto ay prayoridad ng lalawigan upang mapayabong at mapabuti ang agrikultura at makapagbigay ng karagdagang health services sa mga mamamayan.

Dagdag pa nito na makakatulong ang mga ito sa recovery program ng pamahalaan mula sa COVID- 19 pandemic dahil sa taglay nitong mga oportunidad sa ekonomiya at trabaho para sa mga Novo Vizcayanos.

Ayon pa kay Padilla, panahon na upang mabigyan ng mga daan ang mga upland farmer sa lalawigan upang hindi sila mahirapan sa pagbaba ng kanilang mga produkto sa iba't -ibang pamilihan sa mga bayan.

Dagdag pa ng Gubernador na makakaya ng lalawigan ang nasabing loan dahil maliit lamang ang interes nito. (ALM/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)

Sign up for Denmark News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!