Sat, 17 Apr 2021

Tagalog News: 1,000 na Novo Vizcayanos, tatanggap ng tulong mula DSWD

Philippine Information Agency
25 Jan 2021, 16:38 GMT+10

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Enero 25 (PIA) - Kasalukuyang isinasagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng tulong pinansiyal para sa mga biktima ng nakaraang bagyong 'Ulysses' sa Nueva Vizcaya.

Ayon kay DSWD Assistant Regional Director for Operations Lucia Alan, 1,000 na mamamayan sa Nueva Vizcaya ang mabibigyan ng 5,000.00 para sa nga totally damaged houses habang 3,000.00 naman ang para sa mga may partially damaged houses.

Ayon sa kanya, ibibigay ito sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Dagdag pa nito na ang cash pay out ay isinasagawa para sa mga beneficiaries mula sa 12 bayan ng lalawigan alinsunod sa utos ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Dahil dito, lubos ang pasasalamat ni Governor Carlos Padilla dahil sa tulong na ibinigay ng DSWD para sa mga typhoon victims ng Nueva Vizcaya.

Ayon sa kanya, malaking tulong ito dahil kasalukuyang hinaharap ng provincial government ang mga gastusin para sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

"Lubos ang aming pasasalamat sa tulong ng ating mahal na Pangulong Duterte. Makakaasa kayong mapapakinabangan ito ng ating mga mahihirap na mamamayan sa lalawigan," pahayag ni Padilla. (MDCT/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)

More Denmark News

Access More

Sign up for Denmark News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!